Tuesday, June 28, 2005

Sa ating muling pagkikita....

Maraming kababalagahan ang maaaring mangyari sa kahabaan ng daan sa pagitan ng Humanities Bldg. at ng Carabao Park. Ngunit hindi ko malaman kung bakit sa tuwing gusto kong mapag-isa at mag-isip ay may isang taong sisira nito. Nag-iisa na naman ako. Nagmumuni-muni uli. Hindi ko na naman pinapansin ang mga tao sa paligid ko. Teka, parang alam ko na ang mangyayari. Iniangat ko ang aking paningin. Inasahan ko na ang iyong mukha pero hindi ko pa rin kinaya. Nakita na naman kita. Hay! ang buhay nga naman. Akala ko magsasalita ka na naman. Akala ko magsasalita na naman ako. Akala ko mapapangiti mo na naman ako. Akala ko ikaw uli ang kaharap ko. Pero hindi. Ang babaeng kaharap ko ay tahimik. Hindi makatingin sa akin. At ang babaeng kaharap ko ay lumihis ng daan -- nang walang sinasabi. Himala.
Oo nga, hindi ka nagsalita. Oo nga, hindi mo ako napangiti. Pero may isang bagay na nananatiling totoo. PLUMP ka pa rin. =p

Thursday, June 16, 2005

Pakibaba ang kilay ko.

Mapayapa kong binabaybay ang mahabang sidewalk mula Humanities papuntang Carabao Park. Mag-isa ako. Nag-iisip. Walang pakialam sa mga tao sa paligid. Naramdaman kita. Paano ba namang hindi eh rinig na yata hanggang Math Building ang boses mo habang ipinagmamayabang mo sa kausap mo na nanligaw sa iyo ang kawawang lalaking pinag-uusapan ninyo. Pero dahil wala akong balak makialam sa mga tao sa paligid ko, hindi kita pinansin.

Pero sa halip ikaw ang pumansin sa akin. Biglang naiba ang usapan ninyo. Napunta sa ika mo nga ay isang "matabang babaeng napaka-bagal maglakad." Ang sabi mo pa nga "Ano ba naman itong matabang 'to, ang bagal!!".
Hindi kita pinansin. Sanay na ako sa mga taong ipinanganak nang may kakulangan sa pag-intindi at pag-iisip. Sabi ko sa sarili ko, sayang lamang ang panahon ko sa mga katulad mo.
Hindi ka tumigil sa pagpaparinig. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. May pagka-palengkera ka rin pala no? Sabagay, hindi na'ko magtataka. Pero kung inaakala mong bibilisan ko ang paglakad ko dahil sa mga parinig mong walang kakwenta-kwenta, nagkakamali ka.

Sanay na akong maging manhid sa mga ganyan.

Pero ikaw na yata ang pinaka-pasaway na palengkerang nakita ko. Sinimulan mo akong bunggo-bunggoin. Nagtimpi ako. Sinabi ko na lamang sa sarili ko na wala rin namang magyayari kung aawayin kita. Hindi kita Ka-level.

Pero mukhang naghahanap ka talaga ng taong papatol sa'yo. Palakas na nang palakas ang pag-bunggo mo sa akin. Nauubos na rin ang pasensya ko.
Napakaluwag ng UP. Kung gusto mong tumayo sa gitna ng daan para marinig ng lahat ng tao na may isang nagkamaling manligaw sa'yo, malaya kang gawin yon. Inuulit ko, napakaluwag ng UP.

Sa iyong kamalasan, dumating na ako sa puntong ayoko nang magpasensya. Kung gusto mong patulan kita, natupad na ang pinapangarap mo.
Bigla akong tumigil. napatigil ka rin sa pagtalak mo. Hinarap kita. Hindi ka nakapag-salita.

"Miss, you can just say excuse di ba?" Kaya lang mukhang sa liit ng utak mo, hindi ka rin nakakaintindi ng inggles. Kung sa ibang pagkakataon baka naawa na ako sa'yo. Baka kasi masyadong overwhelming na sa'yo ang mga pinagsasasabi ko. Pero dahil "inasar" mo'ko, wala na akong balak na tigilan ka.

"Are you really this mal-educated or that's just the way you are?" Naku, mukhang tumigil na sa pag-function ang kakatiting mong utak (iyon ay kung meron man). Natulala ka. Hindi ka yata makapaniwala na kinakausap ka ng isang tulad ko. Medyo naawa na ako sa'yo kaya napag-pasyahan kong tapusin na ang paghihirap mo.

"Ang yabang-yabang mo, bakit, MAGANDA ka ba?!".

Iniwan kitang nakatulala pa rin. Napasobra yata ako. Baka permanent damage na yung nagawa ko. Habang palayo ako sa alngasaw mo, natatawa na lang ako. Siguro sa susunod na magkita tayo, reregaluhan kita ng salamin. Mukhang matagal na panahon mo nang hindi nakikita ang sarili mo.

Ang lakas ng loob mong manlait ng kapwa mo samantalang wala ka rin palang maipagmamalaki kung ibabatay natin ito sa pamantayan mo.
Pero sa totoo lang, ito lang ang masasabi ko sa'yo:
There's only one word that can describe you:

"PLUMP."

Monday, June 13, 2005

A Hero's Dilemna

I like Hero. I know some of you might find me cheap or corny but i just like him. I am not like the die hard dans who would do everything for him. No. It's not that. But i do believe that this guy has talent and deserves to be in show business. I mean you can hardly see a true talented actor nowadays especially since the top networks are mostly relying on the bankability of their stars rather than what they really do. we have to endure seeing these really "actors" and "actresses" on our television and even in the movies even though they can't even convince us they could think. But anyway, I do not write this article for them. -- Uh, you know what, i don't really know why i am writing this except from the fact that i felt annoyed with Cristy Fermin. Hmmmnnn...

Friday, June 03, 2005

This is just a preliminary.

Bakit karamihan sa mga Pinoy na nakaranas lamang makatuntong sa Amerika akala mo sila na ang pinaka-maswerte at pinaka-edukadong tao sa Pilipinas? Akala ba nila porke nakatapak sila sa balwarte ni Bush "superyor" na sila sa atin? Pwes, kung bumalik sila sito upang ipamukha na mas nakatataas sila dahil nakaranas na sila ng snow, eh, bumalik na lang sila sa pag-t-tnt nila doon.

May nabasa akong isang artikulo sa The Philippines Star, sa Lifestyle section yata iyon kung hindi ako nagkakamali, isang babae ang nagsulat nito. Sa mga oras na ito hindi ko matandaan ang pangalan ng babaeng ito (dahil hindi naman siya talaga ganun ka-importante) pero ang mga sinulat niya sa artikulong ito ay ang siyang nakapagpa-init ng dugo ko. Ang titulo ng kanyang artikulo ay "The Annoying Practices of the Third World Country". Marami siyang sinabo dito na mga "negatibong" kaugalian daw nating mga pilipino dahilan sa ating pagiging "Third World Country". Hindi ko muna siya sasagutin ngayon. Ngunit ipinapangako kong sa susunod kong paglathala ay mababasa ninyo ang artikulong sinulat niya at ang aking sagot dito bilang Pinoy. Hindi ko matatanggap na dahil lang sa nakarating lang siya ng Amerika, malakas na ang loob niya na magsalita ng hindi maganda sa ating kaugalian. At dahil po sa sobrang inis ko ay napag-desisyunan kong tawagin siyang (sa ngayon, depende kung may maisip pa akong mas maganda. pwede din kayong mag-suggest) BUBULI.

Naalala ko nga pala ang pangalan ng column niya. Nakapagtatakang angkop na angkop ito sa intellectual capacity ni BUBULI, "Chuvaness".

P.S.
Hindi naman po halatang inis na inis ako, ano ho?