Pakibaba ang kilay ko.
Mapayapa kong binabaybay ang mahabang sidewalk mula Humanities papuntang Carabao Park. Mag-isa ako. Nag-iisip. Walang pakialam sa mga tao sa paligid. Naramdaman kita. Paano ba namang hindi eh rinig na yata hanggang Math Building ang boses mo habang ipinagmamayabang mo sa kausap mo na nanligaw sa iyo ang kawawang lalaking pinag-uusapan ninyo. Pero dahil wala akong balak makialam sa mga tao sa paligid ko, hindi kita pinansin.
Pero sa halip ikaw ang pumansin sa akin. Biglang naiba ang usapan ninyo. Napunta sa ika mo nga ay isang "matabang babaeng napaka-bagal maglakad." Ang sabi mo pa nga "Ano ba naman itong matabang 'to, ang bagal!!".
Hindi kita pinansin. Sanay na ako sa mga taong ipinanganak nang may kakulangan sa pag-intindi at pag-iisip. Sabi ko sa sarili ko, sayang lamang ang panahon ko sa mga katulad mo.
Hindi ka tumigil sa pagpaparinig. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. May pagka-palengkera ka rin pala no? Sabagay, hindi na'ko magtataka. Pero kung inaakala mong bibilisan ko ang paglakad ko dahil sa mga parinig mong walang kakwenta-kwenta, nagkakamali ka.
Sanay na akong maging manhid sa mga ganyan.
Pero ikaw na yata ang pinaka-pasaway na palengkerang nakita ko. Sinimulan mo akong bunggo-bunggoin. Nagtimpi ako. Sinabi ko na lamang sa sarili ko na wala rin namang magyayari kung aawayin kita. Hindi kita Ka-level.
Pero mukhang naghahanap ka talaga ng taong papatol sa'yo. Palakas na nang palakas ang pag-bunggo mo sa akin. Nauubos na rin ang pasensya ko.
Napakaluwag ng UP. Kung gusto mong tumayo sa gitna ng daan para marinig ng lahat ng tao na may isang nagkamaling manligaw sa'yo, malaya kang gawin yon. Inuulit ko, napakaluwag ng UP.
Sa iyong kamalasan, dumating na ako sa puntong ayoko nang magpasensya. Kung gusto mong patulan kita, natupad na ang pinapangarap mo.
Bigla akong tumigil. napatigil ka rin sa pagtalak mo. Hinarap kita. Hindi ka nakapag-salita.
"Miss, you can just say excuse di ba?" Kaya lang mukhang sa liit ng utak mo, hindi ka rin nakakaintindi ng inggles. Kung sa ibang pagkakataon baka naawa na ako sa'yo. Baka kasi masyadong overwhelming na sa'yo ang mga pinagsasasabi ko. Pero dahil "inasar" mo'ko, wala na akong balak na tigilan ka.
"Are you really this mal-educated or that's just the way you are?" Naku, mukhang tumigil na sa pag-function ang kakatiting mong utak (iyon ay kung meron man). Natulala ka. Hindi ka yata makapaniwala na kinakausap ka ng isang tulad ko. Medyo naawa na ako sa'yo kaya napag-pasyahan kong tapusin na ang paghihirap mo.
"Ang yabang-yabang mo, bakit, MAGANDA ka ba?!".
Iniwan kitang nakatulala pa rin. Napasobra yata ako. Baka permanent damage na yung nagawa ko. Habang palayo ako sa alngasaw mo, natatawa na lang ako. Siguro sa susunod na magkita tayo, reregaluhan kita ng salamin. Mukhang matagal na panahon mo nang hindi nakikita ang sarili mo.
Ang lakas ng loob mong manlait ng kapwa mo samantalang wala ka rin palang maipagmamalaki kung ibabatay natin ito sa pamantayan mo.
Pero sa totoo lang, ito lang ang masasabi ko sa'yo:
There's only one word that can describe you:
"PLUMP."
2 Comments:
Seryoso to? may goodness! ilia
wahaha! buti nga sa babaeng un. naku, buti na alng di moko kasama nun.kundi, di lang "PLump" ang aabutin niya!
haha.
iba ka talaga. daming naiinsecure sa beaty mo!
apir!
Post a Comment
<< Home