Sunday, May 08, 2005

Kumusta na?

Matagal na rin tayong hindi nagkikita.
Matagal na panahon na rin tayong hindi nag-uusap.
Siguro nakalimutan mo na'ko.
Siguro binura mo na ako sa iyong isipan.
Bakit nga ba?
Ano nga bang nangyari at nagkaganito tayo?
Ang pathetic no, hanggang ngayon hindi ko alam.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin.
Hanggang ngayon apektado ako.
Nakakaasar nga eh, kasi alam ko ikaw,
wala ka nang pakialam.
Sana katulad mo rin ako.
Sana matutuhan ko ring gawin ang mga ginagawa mo.
Ang mga pambabalewala.
Ang mga pagsasawalang-kibo.
Sabihin mo nga sa akin,
Paano ba ang lumimot?

1 Comments:

At Wednesday, May 18, 2005 12:09:00 AM, Anonymous Anonymous said...

oi! lungkot lungkutan?

 

Post a Comment

<< Home